Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2025

Nag Take-Home Lang Ako

Hi Pokoyo, I'm Jhi 25years old. Gusto ko lang po sana maglabas ng saloobin. Please po, itago n’yo na lang po ako. Ayoko na pong ma-judge o mapahiya pa lalo. Gusto ko lang po tanungin mali po ba talaga ako? So ganito po ‘yun… First time ko pong na-meet ang buong pamilya ng boyfriend ko. Maayos naman po ang lahat. Mabait sila, welcoming, at ramdam ko ‘yung effort nilang iparamdam na part ako ng pamilya kahit panauhin lang ako. Of course, bilang respeto, tumulong ako sa kusina nagluto, nag-ayos ng mesa, naghugas ng plato. Okay lahat. Tapos pagkatapos kumain, syempre may mga natirang pagkain, lalo na ‘yung ulam na may mga karne yung tipong special talaga. Ewan ko ba, pero instinct ko na siguro, bigla akong kumuha ng konting ulam at kanin, nilagay ko sa isang plastic. Hindi naman sobrang dami ha, sakto lang para sa isa o dalawang kain. Sabi ko sa sarili ko, "Ayan, merienda ko mamaya." Gano’n kasi kami sa bahay. Parang tradition na namin, kapag masarap ang luto, nag-uuwi talaga...