BIN*NTA KO ANG S*RILI KO PARA MAKATULONG SA PAMILYA KO😭‼️

CONFESSION: NANINIWALA KABA SA GOD WILL PROVIDE ? KUNG HINDI MANIWALA KA LAGI SA KANYA 🙏


Ako si Sally 24 yrs old at may 3 anak 😌 sa unang pag kakataon ngayon ko lang ibabahagi ang kwentong nanay ko . 

Siguro marami sa inyo ang matatawa, maaawa, maninisi dahil sa pagiging mapusok ko sa murang edad . Lahat ng pangyayare may malalim na kwento . 


Lumaki kaming 9 na mag kakapatid na salat sa buhay . Dahil sa hirap ng buhay hndi nakapag tapos miske highschool man lang . Financially the first reason why , sumunod ang tatay ko na adik, lasinggero batugan pero kahit ganyan ang tatay tampo lang ang meron sa dibdib ko . Nanay ko ? Lahat ng raket pinasok na labandera, katulong , miske ikakapahamak niya pinasok niya nag papataya ng hueteng kung tawagin . Sa sobrang awa ko sa nanay ko kada mag sasaing ng kalahating kilo na hahaluan ng asukal at maraming tubig para mag mukhng champorado o lugaw para mapag kasya lang sa Amin nakagawa ako ng alam Kong hndi nila magugustuhan . 


Nag benta ako ng katawan sa edad na 15 anyos . Opo tama po kayo ☺️ pero hndi po ako proud dahil mali na yun ang naging paraan ko para makatulong kahit papaano Incase na mag aral Muna . Pero nasilaw na sa pera na akala ko okay Kasi nakakakain na kami ng 3 beses sa 1 araw . Akala ng nanay ko kinikita ko lang sa mga extra ko na nag papalinis ng Bahay yun ang sinasabi ko . 


Dumating yung time na binago ng diyos ang buhay ko na pilit niya inilalayo sa maling daan . Siguro ito yung way nya para hndi ako tuluyang malubog sa lumot na kinalulubugan ko . Nabuntis ako ng kaibigan ko . Taong 2017 simula ng naging batang Ina ako dun ko na lahat narealize kung gaano kahirap lahat . Lalong Lalo na sa part ni mama . Pero salamat sa diyos dahil kahit papaano tinaggap ni mama at hindi nagalit siguro Meron din siyang tampo . Makalipas ang taon naging tatlo ang anak ko . Sinubok ako/kami ng partner ko . Nawalan sya ng trabaho (construction worker) halos dalawang linggo kami gutom Lalo na ang mga anak ko . Isang araw may bahaw kami sa sobrang gutom siguro ng panganay ko Siya na nag insist na mama okay na sa akin kahit Toyo na lang ang ulam ko 💔 masakit Kasi Sabi ko sa Sarili ko na hndi ko ipaparanas sa mga anak ko mga naranasan ko 😭😭 . Pero may awa ang Diyos nag bigay sya ng anghel para may maiprovide kaming masarap sa hapag . Lumapit ang kumpare ko nakiusap na baka pwede akong maging witness at pumirma sa isasangla niyang Bahay . ( Hindi ko pa alam na bibigyan nya ako) Pumayag ako pero tinanong ko sya kung hndi ba ako mapahamak dito? Hindi daw Kasi witness lang nmn daw pero binasa ko nmn Bago ko pirmahan .  So pag pirma ko Pina notary nya lang at maya maya may iniabot . Pag tingin ko 500 pesos . Sabi ko hndi na kailangan pasasalamat daw nya yun kaya tinanggap ko na Kasi sa totoo lang kailangan ko din talaga . 


Sa bawat Oras na akala natin yun na , akala natin Wala ng pag asa . Pero talagang anjan ang Diyos nakatingin nag babantay 🙏 salamat ng marami ama sa walang sawang pag bibigay ng pag asa sa araw araw ♥️


Ps: sa lahat ng sumusuko Jan lagi kayong mag dasal kumapit lang kayo lagi sa ama 🙏 hndi ka niya pababayaan 🥰


From 

Sally

Comments

Popular posts from this blog

CHINAT KO ANG BOYFRIEND NG ANAK KO‼️

ANG MISTER KONG MALIIT‼️

TAMAD ANG ASAWA KO‼️‼️