BOMBAY NA MUNTIKAN KO NANG NAGING LOVE STORY‼️‼️
“Pakitang Gilas si Bombay” – A Day in My Life Today
Share ko lang ang nangyari sakin ngayong linggo na parang eksena sa MMK x Netflix Thriller x GMA Comedy Anthology.
Hi po! Ako si Girl, 30 years old, single, at may konting pag-asa pa sa love life—kaya ayun, na-uto ako ng FB Dating. Nakilala ko si Kuya Bombay, 30 rin daw siya, may sasakyan pa raw at mukhang mabait (emphasis on “mukhang”).
Nag-set kami ng meet up sa 7/11. Perfect timing kasi utusan din ako ni Mama bumili ng tinapay—love life + errands = efficiency! Pero syempre, bago ang lahat, simbahan muna. Pray-pray din para gabayan ni Lord ang isang ganitong desperate move.
Ayun, nag-selfie ako sa harap ng simbahan (proof of life kung sakali mang mawala ako), tapos sabi niya, “Dito na rin ako!” Ayun pala nasa park lang sya, literal 5 steps away.
Pagdaan ko, akala mo may suntok si Pacquiao sa windshield—KTOG! KTOG! Pusang gala, muntik na kong himatayin! Baba ng salamin, kumaway pa si kuya. Pogi naman… pero may aura ng red flag.
Sabi niya, “Pasok ka, usap lang tayo.” Ako naman, parang si Dora na walang mapa—“No thanks, may mission ako, si Mama magagalit pag di ko nabili ang tinapay!”
Pero eto na… parang naging “Fast & the Furious: Bombay Drift.”
Habang naglalakad ako pauwi, nag-drive-by siya sa tabi ko.
“Sakay ka na! Usap lang! Lake tayo!”
Sabi ko, “Eh di ikaw na may Lake goals, ako may Gardenia goals lang.”
Nagulat siya nung sinabi kong: “Kung gusto mo ng Lake, mag-park ka, lakarin natin.”
Ayun, napa-harurot si kuya. Siguro na-offend kasi hindi ako sasama sa car niya with aircon and intention.
Pag-uwi ko, nag-sorry siya sa chat. Pero ako, habang humihigop ng Milo at nag-i-scan ng paligid, di pa rin mapakali. Naiisip ko talaga: “Buti na lang di ako sumama. Eh kung naging kwento ako sa GMA Imbestigador, pano na ang tinapay ni Mama?”
Lesson learned:
Kung gusto mo lang naman ng kausap, wag sa Lake. Sa tindahan ng tinapay lang, mas ligtas pa.
At sa mga ka-FB dating diyan—kung gusto nyo lang ng "usap lang," eh di sa public chatroom kayo, hindi sa puting kotse!
Comments
Post a Comment