CONFESSION: “Sa huli, ako pa rin ang naging tanga para sa taong ako lang ang seryosong nagmahal.”
Hindi ko alam kung paano pa babangon mula sa ganitong sakit.
Minahal ko siya ng totoo.
Ako 'yung nagtiwala, nag-alaga, nagbigay ng lahat—pero sa huli, ako rin pala ang lolokohin.
Ako pa ang nag-apply para sa kanya sa university, sinigurado kong matupad ang pangarap niya.
Sinusuportahan ko siya sa lahat ng bagay.
Pero pagdating niya doon, iba na siya.
Bigla na lang nagbago ang ugali.
At sa huli, nalaman kong may iba na pala siya.
Mas masakit pa, hindi man lang niya ako ipinagmalaki.
Sabi niya, "Hindi ako nagpo-post ng boyfriend sa social media."
Pero nung kami na wala, pinost niya agad yung lalaki na ipinagpalit niya sa akin.
Ang sakit.
Kasi kahit maraming nagsabi sa akin—kaibigan, pinsan niya mismo, siniraan siya—ako pa rin ang nagtanggol sa kanya.
Ako pa rin ang naniwala na mabuti siyang tao.
Na loyal siya.
Na ako lang ang mahal niya.
Pero sa huli, ako ang iniwan, niloko, at ngayon ako pa ang pinagtatawanan.
Ako ‘yung binalaan ng lahat… at ako rin ‘yung hindi nakinig.
Ang hirap matulog gabi-gabi.
Hindi dahil sa puyat, kundi sa bigat sa dibdib.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.
Hindi ko alam kung ako pa ba ang mali, o sobrang tama lang ako magmahal sa maling tao.
Comments
Post a Comment