Skip to main content

MAS MAGANDA PA ANG EX NIYA SAYO

#Confession

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang “Lianne,” 32 anyos, taga-Taytay, Rizal.

Mga ka-confession, kailangan ko po ng payo…


Simula pa lang ng kasal namin ng asawa ko, ramdam ko na—hindi talaga ako gusto ng hipag ko. Lahat na lang may masasabi siya sa’kin. Tinawag niya pa akong bruha, sabing malas daw ako, at wala raw kwenta ang mga anak ko. Pinagkakalat pa na mas maganda raw ang ex ng asawa ko kaysa sa’kin—sa harap pa mismo ng ibang tao! At ang mas masakit… pinaikot pa niya ang ibang kamag-anak para sabihan akong masama raw akong tao.


Pero kahit ganun, pinili ko pa rin manahimik. Hindi ako gumanti. Hanggang sa sinabi ko sa asawa ko na ayoko na lang dumalo sa kahit anong family event kung nandoon ang hipag ko. Hindi ko kayang makita ang anak ko sa paligid ng taong nananalangin pa ng masama para sa kanila.


Ngayon, galit ang asawa ko. Ang sabi niya, ang arte ko raw, ang taas ng pride ko. Pinipilit niya akong makisama pa rin at magpatawad. Pero paano ko patatawarin ang taong paulit-ulit akong binabastos? Hanggang ngayon, dalang-dala ko pa rin ang sakit. Depresyon, hiya, at trauma—lahat yan galing sa isang tao lang: hipag ko.


Mali ba ako na piliin ang sarili kong kapayapaan kaysa makisama sa taong sumira ng tiwala ko at respeto ko sa sarili ko? Kung ipipilit ng asawa ko na makipag-ayos ako sa hipag kong ‘yon, baka ito na ang simula ng pagkasira ng pamilya namin.


Tama ba ako, o ako ang mali?

Comments

Popular posts from this blog

Nagboarding house ako sa bahay ng Ex ko sa Baguio, nagkasalubong kami ng mama Niya sa hagdan‼️‼️‼️

Hi Pokoyo, Tawagin niyo na lang akong Ara. Admin sobrang awkward talaga kahapon😒 Syempre start ko muna sa Simula. Fourth year high school ako noon nang una kong makilala si Drei. Seatmate ko siya sa isang review center dito sa Manila. Tahimik lang siya pero ang lakas ng dating tall, may braces pa that time, at super bait. Ako ‘yung madaldal, siya ‘yung tahimik. Pero ang weird, nagclick kami. Hanggang sa naging texting buddy ko na siya, tapos sabay na kami umuuwi after review. One time, inabot kami ng ulan, at dahil parehas kaming wala ng masakyan, naglakad kami sa ilalim ng payong niya. Doon ako unang kinilig. Ilang weeks lang, nanligaw siya. Sinagot ko siya after two months kasi gusto ko siguraduhin na seryoso siya. And he was. Yung kilig namin? Sobra. Holding hands sa park, yakap sa sinehan, kiss sa pisngi kapag hatid sa bahay hanggang doon lang talaga. Wala pang nangyari sa'min. Gusto naming maging proud kami sa isa’t isa sa harap ng pamilya. In fact, naging legal kami. Mabait ...

TAMAD ANG ASAWA KO

CONFESSION: “Paano Ko Ba Mapapaayos ang Asawa Kong Parang Ayaw na sa Responsibilidad?” #keepmeanonymous Itago niyo na lang po ako sa pangalang Kevin, 29 years old, taga-Cavite. Isa lang po akong simpleng ama na gusto lang ng maayos na tahanan para sa anak ko. April noong nakaraang taon nang lumipat ako sa bahay ng partner ko matapos niyang manganak sa una naming anak. Akala ko noon, bagong yugto ‘to ng buhay namin—masaya, puno ng saya, pero mali pala ako. Araw-araw na ginawa ng Diyos, pare-pareho ang routine ng asawa ko: gigising ng late, hindi aayusin ang kama, hindi maglilinis, at uupo lang sa sofa na parang may sariling mundo—nanonood ng TV o kaya’y tulala sa TikTok buong araw. Minsan 12 na ng tanghali, saka pa lang siya kikilos kapag pinagsabihan ko pa. Mga diaper ng anak namin nagkakalat sa sahig, mga pinggan sa lababo may tira-tirang ulam pa kahapon. Minsan naiiyak na lang ako—literal—dahil parang wala siyang pakialam. Ni hindi man lang naghuhugas ng kamay pagkagaling sa CR! At ‘...

ISA AKONG LALAKI PERO...

My secret‼️ Hello po ate Ambenture, alam niyo po Yung feeling na ang hirap gumalaw sa isang Lugar na may tinatago ka, lahat ng galaw mo kailangan may limitations, para Hindi kalang ma buking Yung tipong, "You don't do this, You don't do that" Ate itago niyo nalang po ako sa pangalang Dj, 21 years old at tubong sarangani, ang kwento ko pong ito ay tungkol sa malaking secret na tinatago ko sa pamilya ko. Ate bata palamang ako alam kona na merong kaka-iba sakin, alam Kong Hindi Ako kagaya ng mga batang lalaki na mahilig makipag barkda sa kapwa lalaki, Ako Kasi puro mga babae ang mga barkada, alam ko po na alam niyo kung ano ang ibig kung Sabihin. Aaminin ko Hindi po Ako straight na lalaki ay Yan po ang secretong tinatago ko sa pamilya ko, at kung tatanungin niyo po na kung hindi na nahahalata ng pamilya ko ang sagot ko po ay "OO", Hindi po Kasi Ako nag open sa family ko Lalo na po Kay kuya, natatakot po Kasi Ako nag baka husgahan Ako nila kuya o baka Hindi lang...