Hi Pokoyo, please keep me anonymous.
Ako si Katrina, 43 years old, taga Quezon City, may dalawang dalagitang anak. Halos dalawang taon na rin akong single simula nang maghiwalay kami ng dati kong asawa. Maayos naman ang buhay ko ngayon may stable na trabaho, naibibigay ko ang pangangailangan ng mga anak ko, pero minsan... hindi maiiwasang maramdaman ang pangungulila. Yung tipo bang kahit busy ka sa lahat, may parte sa’yo na parang may kulang.
Noong mga unang buwan ng taon, may isang lalaki na palaging nagpaparamdam sa akin. Paulit-ulit. Hindi siya sumusuko. Si Dr. Lance isang doktor sa isang private clinic dito lang sa barangay namin. Sa una, hindi ko siya pinapansin. Mas gusto ko kasi ng tahimik at iwas sa komplikasyon. Pero habang tumatagal, napapansin ko kung gaano siya ka-genuine. Laging may pa-good morning. Kapag may bagyo, magpapadala ng kape. Noong birthday ko nitong June, nagpadala pa siya ng cash gift, kahit hindi ko naman hinihingi.
Napaisip ako. Baka ito na nga. Kaya’t ilang araw lang matapos ang birthday ko, naisip kong bigyan siya ng pagkakataon. Sakto, birthday din niya nun. Inimbitahan niya akong dumaan sa bahay nila nasa likod lang ng kalye namin, literal na isang liko lang.
Pagdating ko sa bahay niya, maayos ang lahat. May handang pagkain, may inumin, simple pero sincere. Habang nagkukwentuhan kami, dumating si Mr. D (food delivery). Nagmamadali siyang lumabas para bayaran, naiwan niya 'yung wallet niya sa mesa. Napatingin ako, and out of curiosity, nakita ko ‘yung ID niya sa ospital.
Nabasa ko: “Lance A ****** M.D. – Date of Birth: 1994.”
T*NGINA.
31 YEARS OLD LANG PALA SIYA?!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang ang daming tanong biglang pumasok sa utak ko. “Bakit di ko man lang natanong ‘to?” “Ang tanda ko na para sa kanya!” “Ano’ng iisipin ng ibang tao?” Nakakahiya. Nakakainis. Para akong ginawang t*nga.
Sinubukan kong kumalma. Kumain pa kami ng konti. Pero hindi na ako mapakali. Nagdahilan akong may kailangang asikasuhin sa bahay at umuwi na lang. Pagkauwi ko, hindi ako mapakali. Nag message siya, “Okay ka lang ba? Parang bigla kang nawala sa mood.” Di ko alam ang isasagot ko.
Sa totoo lang, hindi ko siya ginustong bastusin o iwan ng ganon, pero parang tinamaan ang ego ko. Akala ko kasi, mas matanda siya, baka ka-edad ko man lang. Kaya siguro sobrang responsable niyang kumilos. Pero ngayong nalaman kong mas bata siya ng 12 na taon, parang nawalan ako ng gana. Hindi dahil sa ugali niya kasi maayos siya. Kundi dahil sa pride ko bilang babae.
Pero habang lumilipas ang mga araw, nare-realize ko, bakit nga ba? Bakit ko siya ilalayo sa buhay ko kung wala naman siyang ginagawang masama? Kung maayos siyang tao, kung minahal niya ako ng totoo?
Hindi ba dapat ang sukatan ng relasyon ay kung paano ka pinapahalagahan at hindi kung anong taon ka pinanganak?
Hanggang ngayon, awkward pa rin kami. Hindi na kami tulad ng dati. Hindi ko siya mareplyan ng maayos. Pero ang totoo, ako ang may problema.
Kaya tanong ko ngayon...
Anong gagawin ko? Ako ba ang mali? Mali bang nagustuhan ko ang isang lalaking mas bata pero mas tapat?
Hindi ko alam kung pride lang ba ‘to o takot na masaktan...
Pero sa totoo lang, ang sakit dahil sa sarili kong insecurity, baka mawalan ako ng isang lalaking totoo.
Next po
ReplyDelete