Skip to main content

BORACAY

Hello sa mga readers gusto ko lang ibahagi ang aming love story nagsimula sa Boracay.


Hi Pokoyo,

Tawagin niyo na lang akong Tintin, 26 years old, taga QC. Maputi ako, slim, at sanay na rumampa sa stage. Ilang beses na rin akong sumali sa pageants kaya medyo bihasa na rin sa ayos, ngiti, at charm. Pero sa totoo lang, kahit may mga nagpaparamdam paminsan-minsan, single ako for almost two years. Hindi dahil sa walang nagkakagusto, kundi dahil naging focused ako sa work at sa sarili ko.


Habang nagdi-dinner kami ng barkada, bigla nilang binanggit ang word na parang magic para sa akin ang Boracay.


“Book na tayo, bes! Summer na!”

“Adventure na ulit! Wala na si Tintin sa love life, dapat may bago siyang memories!”


Medyo napangiti ako. Third time ko na sa Boracay. Sa totoo lang, parang wala na akong ine-expect. Alam mo ‘yung feeling na been there, done that? Pero dahil makulit ang tropa, go na rin. Malay mo, makapagpahinga lang, maka-beach at ma-refresh.


Pero Pokoyo, hindi ko alam na ito pala ang pinaka-unexpected vacation ng buhay ko.


Pagdating namin sa island, same view, same vibe. Pero noong gabing ‘yon sa isang beachfront bar ibang klaseng energy ang naramdaman ko.


That’s when I saw him.


Si D.

Oppa vibes. Chinito. Tall. Clean-cut. Maputi. Yung tipong parang kakalabas lang sa Korean drama tapos naligaw sa Pilipinas. May hawak siyang drink at naka-black polo, simpleng pormahan pero may dating. Tahimik lang siya sa isang table kasama ng mga kaibigan niya. Makalaglag panty🤣


Nagkatinginan kami. Hindi siya ‘yung lalaking palaban sa moves pero may something sa mata niya na parang… “Hey, ikaw.”


I smiled.

He smiled.

Tapos bigla na lang siyang lumapit. Ang gwapo Niya!


“Hi, okay lang ba maki-join sa table niyo?”

Napatingin ako sa mga friends ko, tapos sabay-sabay silang nag-chorus ng “Yieee!”

Sige na nga.


Nagpakilala siyang D, taga Laguna, 28 years old. May business raw siya, at mahilig din sa spontaneous travels. Nag-click kami agad. Hindi ko alam kung dahil sa beach, sa music, o sa pagka-misteryoso niya. Basta ang alam ko, may spark.


Mga 2 AM na, halos ubos na ang kwento at tawa at may konting alak na din.

“Gusto mo maglakad sa tabing-dagat?” tanong niya.

Bago pa ako makatanggi, nagkatinginan kami… at sumama na ako. Syempre ang mga tinginan ng mga barkada parang may something kaming gagawin haha.


That walk turned into hugs… then kisses…

And then, alam mo na. One n*ght st@nd. 


The next morning, wala siyang binigay na  number niya or kahit anong contact info.  Pero may tissue sa bag ko na may sulat:


> “Thank you for the night, babe. Kung magkikita man tayo ulit liligawan na kita at hindi papakawalan – D"


Akala ko hanggang doon na lang ‘yon. A wild, unforgettable memory sa pangatlong balik ko sa Boracay. Kwento lang sa tropa. Secret lang sa diary.


Fast forward seven months later…


Birthday ng pinsan ng kaibigan ng kaibigan ng mama ko sa Laguna. Sinama lang ako ni mama out of courtesy. Ayoko talaga kasi may work pa ako pero wala na raw choice kasi wala kasama si mama at magddrive sa kanya.


Pagpasok pa lang namin sa bahay, may napansin agad akong familiar na mukha.

Si D!


Nakatitig siya sa akin.

Nakatitig din ako sa kanya.

Sabay kaming napangiti. Parang may background music na tumugtog. Seriously. Gusto ko na umuwi sa puntong ito but no. Sabi ko sa sarili ko stay calm!


“Oh Babe?”

“Oppa?”


Nagkatawanan kami. Lumapit siya.

And then he said:


> “This time, hindi na ako aalis nang walang contact number mo.”


From that day, nagkita ulit kami. Tinuloy ang naudlot na kwento. Mas kilala namin ang isa’t isa at this time, walang alcohol, walang beach, walang padalus-dalos.


D turned out to be more than just his looks. Mabait. Tahimik pero maalaga. May plano sa buhay. At higit sa lahat seryoso.


A month later, he introduced me to his parents. Tapos dumiretso na rin siya sa amin formally.

“Hindi po ako perfect, pero gusto ko pong ligawan ang anak niyo nang maayos.”


I mean, saan ka pa? From wild night to wedding light?


Ngayon, engaged na kami. Yes, Pokoyo. ENGAGED. 💍

And guess where we’re planning to get married?

Yes… Boracay.

Kung may natutunan ako sa lahat ng ‘to, eto ‘yun:

Minsan ang pinaka-walang expectations mong araw… yun ang magbabago ng buong buhay mo.


Hindi mo kailangang masaktan muna para mahanap ang tamang tao.

Hindi mo kailangang i-force ang love minsan, sadyang dumarating siya habang ini-enjoy mo lang ang buhay mo.


Kaya sa lahat ng singles diyan, lalo na sa mga akala nila “paulit-ulit lang ang buhay,”

Hintayin niyo ang plot twist.

Minsan sa pangatlong balik mo sa isang lugar, saka darating ang taong… panghabambuhay. ❤️


– Salamat Pokoyo sa pagbasa.

From Pageant Queen to Future Bride.

Comments

Popular posts from this blog

Nagboarding house ako sa bahay ng Ex ko sa Baguio, nagkasalubong kami ng mama Niya sa hagdan‼️‼️‼️

Hi Pokoyo, Tawagin niyo na lang akong Ara. Admin sobrang awkward talaga kahapon😒 Syempre start ko muna sa Simula. Fourth year high school ako noon nang una kong makilala si Drei. Seatmate ko siya sa isang review center dito sa Manila. Tahimik lang siya pero ang lakas ng dating tall, may braces pa that time, at super bait. Ako ‘yung madaldal, siya ‘yung tahimik. Pero ang weird, nagclick kami. Hanggang sa naging texting buddy ko na siya, tapos sabay na kami umuuwi after review. One time, inabot kami ng ulan, at dahil parehas kaming wala ng masakyan, naglakad kami sa ilalim ng payong niya. Doon ako unang kinilig. Ilang weeks lang, nanligaw siya. Sinagot ko siya after two months kasi gusto ko siguraduhin na seryoso siya. And he was. Yung kilig namin? Sobra. Holding hands sa park, yakap sa sinehan, kiss sa pisngi kapag hatid sa bahay hanggang doon lang talaga. Wala pang nangyari sa'min. Gusto naming maging proud kami sa isa’t isa sa harap ng pamilya. In fact, naging legal kami. Mabait ...

TAMAD ANG ASAWA KO

CONFESSION: “Paano Ko Ba Mapapaayos ang Asawa Kong Parang Ayaw na sa Responsibilidad?” #keepmeanonymous Itago niyo na lang po ako sa pangalang Kevin, 29 years old, taga-Cavite. Isa lang po akong simpleng ama na gusto lang ng maayos na tahanan para sa anak ko. April noong nakaraang taon nang lumipat ako sa bahay ng partner ko matapos niyang manganak sa una naming anak. Akala ko noon, bagong yugto ‘to ng buhay namin—masaya, puno ng saya, pero mali pala ako. Araw-araw na ginawa ng Diyos, pare-pareho ang routine ng asawa ko: gigising ng late, hindi aayusin ang kama, hindi maglilinis, at uupo lang sa sofa na parang may sariling mundo—nanonood ng TV o kaya’y tulala sa TikTok buong araw. Minsan 12 na ng tanghali, saka pa lang siya kikilos kapag pinagsabihan ko pa. Mga diaper ng anak namin nagkakalat sa sahig, mga pinggan sa lababo may tira-tirang ulam pa kahapon. Minsan naiiyak na lang ako—literal—dahil parang wala siyang pakialam. Ni hindi man lang naghuhugas ng kamay pagkagaling sa CR! At ‘...

ISA AKONG LALAKI PERO...

My secret‼️ Hello po ate Ambenture, alam niyo po Yung feeling na ang hirap gumalaw sa isang Lugar na may tinatago ka, lahat ng galaw mo kailangan may limitations, para Hindi kalang ma buking Yung tipong, "You don't do this, You don't do that" Ate itago niyo nalang po ako sa pangalang Dj, 21 years old at tubong sarangani, ang kwento ko pong ito ay tungkol sa malaking secret na tinatago ko sa pamilya ko. Ate bata palamang ako alam kona na merong kaka-iba sakin, alam Kong Hindi Ako kagaya ng mga batang lalaki na mahilig makipag barkda sa kapwa lalaki, Ako Kasi puro mga babae ang mga barkada, alam ko po na alam niyo kung ano ang ibig kung Sabihin. Aaminin ko Hindi po Ako straight na lalaki ay Yan po ang secretong tinatago ko sa pamilya ko, at kung tatanungin niyo po na kung hindi na nahahalata ng pamilya ko ang sagot ko po ay "OO", Hindi po Kasi Ako nag open sa family ko Lalo na po Kay kuya, natatakot po Kasi Ako nag baka husgahan Ako nila kuya o baka Hindi lang...