Skip to main content

GUSTO KO NG MAKIPAGHIWALAY DAHIL MATABA NA SIYA

Hi Pokoyo, itago niyo na lang ako sa pangalang Randy, 32 anyos, taga Tarlac.


Alam kong maraming babae ang magagalit sa sasabihin ko, pero ito ang totoo. Sa loob ng pitong taon naming pagsasama ng girlfriend ko, pakiramdam ko ngayon... para akong nakakulong. Hindi ko na siya mahal. Hindi  na ako  naa-attract sa kanya. At oo, aminin ko na, meron akong kinikita ngayon  kaibigan niya, mas bata ng pitong taon sa kanya, mas maalaga sa sarili, makinis ang balat, mabango, maganda ang katawan at higit sa lahat... masarap kasama.


Hindi niya ito alam, at sa totoo lang ay may itsura din ako at maputi.


Yung girlfriend ko ngayon? Wala na siyang gana sa buhay. Tumaba na siya, parang wala nang porma, palaging nakapambahay kahit lalabas kami. Parang wala na siyang pakialam kung paano ko siya tinitingnan o kung napapahiya ba ako kapag magkasama kami sa labas. Ang hirap maglakad sa mall na kasama mo ang babaeng parang hindi na siya yung minahal mo noon. Ang totoo niyan, minsan naiinggit ako sa ibang lalaki na kasama ang mga sexy at maayos magdala ng sarili. Ako? Parang laging bigo.


Pero ito ang problema: halos lahat ng gamit sa bahay namin  mula sa sofa, kama, dining set, ref, hanggang TV  sa kanya galing. Siya ang bumili, gamit ang pera na iniwan ng yumaong lola niya. Under her name lahat. Kung iwan ko siya ngayon, baka walang matira saken kundi ang pader. Ayoko namang dalhin ang bago kong girlfriend sa isang bahay na parang bodega ng alaala ng dating pangit kong buhay. Gusto ko, maganda ang simula namin. Maayos, kumpleto sa gamit. Kasi siya ang karapat-dapat sa ginhawa ngayon, hindi yung ex kong nawalan ng porma.


Ang iniisip ko ngayon, paano ko kaya magagawa na siya ang kusang umalis at iwan lahat ng gamit? Ayoko rin naman maging masyadong masama. Gusto ko lang mabawi yung “bayad” ko sa lahat ng taon na tiniis ko siya. Hindi madali magpanggap na okay ang lahat habang naiilang ka na sa sariling partner mo.


Bakit kapag lalaki ang nang-iwan, kontrabida agad? Pero kapag babae ang iniwan ang lalaking nagpaaral sa kanya, nagpalaki, nagsakripisyo  tapos iniwan dahil nakahanap ng mas mayaman  normal lang? Sasabihin pa ng mga kaibigan, “Deserve niya maging masaya.”


Eh ako? Hindi ko ba deserve maging masaya? Hindi ko ba deserve sundin ang puso ko ngayon na nagsasabing dito na ako sa babaeng maganda, sexy, at mas masaya kasama?


Kaya heto ako ngayon, humihingi ng opinyon. Masama ba akong tao kung gusto kong ako ang maiwan sa bahay at siya ang umalis, kahit siya ang bumili ng mga gamit? Masama bang pilitin siyang mag-move out para lang mabigyan ko ng magandang buhay ang babaeng gusto ko ngayon?


Hindi ko siya niloko. Oo, may karelasyon ako ngayon, pero hindi ko siya inabuso. Kung tutuusin, siya pa nga ang nalamangan  kasi ilang taon ko siyang tiniis kahit halos wala na akong maramdaman. Ngayon, gusto ko lang makawala.


Kayo na ang humusga. Pero sa totoo lang, pagod na ako magpanggap. At kung ang kalayaan ko ay may presyo  eh 'di isama na niya ang gamit, pero sana may paraan... para makuha ko kahit ilan sa mga ‘yon.


Kasi kung tutuusin... parang ako rin ang nawalan ng lahat.


Dummy account ako kahit i-bash nyo ako. Pero babasahin ko lahat ng comments niyo saken sa real account.

Comments

Popular posts from this blog

Nagboarding house ako sa bahay ng Ex ko sa Baguio, nagkasalubong kami ng mama Niya sa hagdan‼️‼️‼️

Hi Pokoyo, Tawagin niyo na lang akong Ara. Admin sobrang awkward talaga kahapon😒 Syempre start ko muna sa Simula. Fourth year high school ako noon nang una kong makilala si Drei. Seatmate ko siya sa isang review center dito sa Manila. Tahimik lang siya pero ang lakas ng dating tall, may braces pa that time, at super bait. Ako ‘yung madaldal, siya ‘yung tahimik. Pero ang weird, nagclick kami. Hanggang sa naging texting buddy ko na siya, tapos sabay na kami umuuwi after review. One time, inabot kami ng ulan, at dahil parehas kaming wala ng masakyan, naglakad kami sa ilalim ng payong niya. Doon ako unang kinilig. Ilang weeks lang, nanligaw siya. Sinagot ko siya after two months kasi gusto ko siguraduhin na seryoso siya. And he was. Yung kilig namin? Sobra. Holding hands sa park, yakap sa sinehan, kiss sa pisngi kapag hatid sa bahay hanggang doon lang talaga. Wala pang nangyari sa'min. Gusto naming maging proud kami sa isa’t isa sa harap ng pamilya. In fact, naging legal kami. Mabait ...

TAMAD ANG ASAWA KO

CONFESSION: “Paano Ko Ba Mapapaayos ang Asawa Kong Parang Ayaw na sa Responsibilidad?” #keepmeanonymous Itago niyo na lang po ako sa pangalang Kevin, 29 years old, taga-Cavite. Isa lang po akong simpleng ama na gusto lang ng maayos na tahanan para sa anak ko. April noong nakaraang taon nang lumipat ako sa bahay ng partner ko matapos niyang manganak sa una naming anak. Akala ko noon, bagong yugto ‘to ng buhay namin—masaya, puno ng saya, pero mali pala ako. Araw-araw na ginawa ng Diyos, pare-pareho ang routine ng asawa ko: gigising ng late, hindi aayusin ang kama, hindi maglilinis, at uupo lang sa sofa na parang may sariling mundo—nanonood ng TV o kaya’y tulala sa TikTok buong araw. Minsan 12 na ng tanghali, saka pa lang siya kikilos kapag pinagsabihan ko pa. Mga diaper ng anak namin nagkakalat sa sahig, mga pinggan sa lababo may tira-tirang ulam pa kahapon. Minsan naiiyak na lang ako—literal—dahil parang wala siyang pakialam. Ni hindi man lang naghuhugas ng kamay pagkagaling sa CR! At ‘...

ISA AKONG LALAKI PERO...

My secret‼️ Hello po ate Ambenture, alam niyo po Yung feeling na ang hirap gumalaw sa isang Lugar na may tinatago ka, lahat ng galaw mo kailangan may limitations, para Hindi kalang ma buking Yung tipong, "You don't do this, You don't do that" Ate itago niyo nalang po ako sa pangalang Dj, 21 years old at tubong sarangani, ang kwento ko pong ito ay tungkol sa malaking secret na tinatago ko sa pamilya ko. Ate bata palamang ako alam kona na merong kaka-iba sakin, alam Kong Hindi Ako kagaya ng mga batang lalaki na mahilig makipag barkda sa kapwa lalaki, Ako Kasi puro mga babae ang mga barkada, alam ko po na alam niyo kung ano ang ibig kung Sabihin. Aaminin ko Hindi po Ako straight na lalaki ay Yan po ang secretong tinatago ko sa pamilya ko, at kung tatanungin niyo po na kung hindi na nahahalata ng pamilya ko ang sagot ko po ay "OO", Hindi po Kasi Ako nag open sa family ko Lalo na po Kay kuya, natatakot po Kasi Ako nag baka husgahan Ako nila kuya o baka Hindi lang...