Hi Pokoyo,
Tawagin niyo na lang akong Ara. Admin sobrang awkward talaga kahapon😒
Syempre start ko muna sa Simula.
Fourth year high school ako noon nang una kong makilala si Drei. Seatmate ko siya sa isang review center dito sa Manila. Tahimik lang siya pero ang lakas ng dating tall, may braces pa that time, at super bait. Ako ‘yung madaldal, siya ‘yung tahimik. Pero ang weird, nagclick kami.
Hanggang sa naging texting buddy ko na siya, tapos sabay na kami umuuwi after review. One time, inabot kami ng ulan, at dahil parehas kaming wala ng masakyan, naglakad kami sa ilalim ng payong niya. Doon ako unang kinilig. Ilang weeks lang, nanligaw siya. Sinagot ko siya after two months kasi gusto ko siguraduhin na seryoso siya. And he was.
Yung kilig namin? Sobra. Holding hands sa park, yakap sa sinehan, kiss sa pisngi kapag hatid sa bahay hanggang doon lang talaga. Wala pang nangyari sa'min. Gusto naming maging proud kami sa isa’t isa sa harap ng pamilya. In fact, naging legal kami. Mabait ang mama niya, parang second nanay ko. Lagi akong inaabot ng pabaon every time dadaan ako sa kanila.
Nag-decide akong mag-aral sa Baguio. Gusto ko kasing lumayo sandali, magkaroon ng fresh start, self-discovery, mga ganon. Pero siya? Ayaw niya. “Bakit sa malayo pa?” tanong niya. “Bakit hindi dito na lang?”
Nagka-cold war kami. Hanggang sa naging klaro na ‘di na kami tugma sa pangarap. Walang third party. Walang cheating. Pero napagod kami pareho. Mahirap din kasi kapag hindi aligned ang goals niyo. Kaya kahit masakit, naghiwalay kami isang taon na ngayon.
This May lang ako lumipat dito sa Legarda, Baguio. Gusto ko sana ng peaceful na lugar. ‘Yung malapit sa school, mura ang renta, at maayos ang kwarto. Nakakita ako online, sakto sa budget. Kinuha ko agad.
First week ko doon, akyat-baba ako kasi wala pa akong lutuan, so palaging bili ng food. Tapos isang tanghali, pagbaba ko ng hagdan para bumili ng lunch,
😱 Si Mama! Mama ng ex ko
Nasa paanan ng hagdan si Tita Linda ang mama ng ex ko! Hawak niya ang basket ng gulay, bagong dating galing palengke.
Parang slow motion yung eksena. Napakapit ako sa hagdan. Tapos siya, napatitig sa akin ng ilang segundo. Ako ‘yung unang nagsalita:
“T-Tita Linda?!”
Tapos sabi niya, “Ara?? Anak ng tinola… ikaw ba ‘yan? Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?!”
LITERAL. Bahay. Nila.
Akala ko boarding house lang, yun pala, bahay nila ‘to na ginawang paupahan ang upper floors. Hindi ko man lang napansin sa picture sa ad ‘yung mga familiar na pader at tiles. Hindi ko in-expect kasi may gate sa likod ako dumaan noong unang araw. At hindi ko akalain na may-ari pala sila.
Tawang-tawa si Tita after ng shock. Sabi niya, “Grabe, universe talaga ‘to, anak. Kung gusto mong i-prank ang anak ko, perfect ang setup mo!”
BUTI NA LANG WALA SI DREI SA BAHAY. Nasa Manila daw at may work-related training. Kundi baka natapilok na ako pababa.
Nagpaiwan ako sandali sa hagdan. Pinapasok ako ni Tita sa kusina at pinakain ng sopas. As in, parang walang nangyaring hiwalayan. Tinatanong pa niya kung may boyfriend na ako, sabi ko wala. Natawa siya at sabi niya, “Eh ‘yung anak ko, wala rin! Ay nako, ‘yung tadhana minsan ang kulit din.”
Ang kaso… kakadeposit ko lang ng 2 months. Kaya kahit gustuhin kong lumipat dahil helloooo awkward!... tiis muna ako.
Pero to be honest, hindi naman ako uncomfortable. Mabait si Tita. Hindi siya nanumbat. Wala siyang bitterness.
Ang tanong: paano kapag bumalik na si Drei?
Ewan. Wala pa ako sa part na ‘yon. Pero isang araw, baka bumaba na lang ako ulit ng hagdan… at hindi lang mama niya ang masalubong ko.
Pokoyo, ano sa tingin mo… sign na ba ‘to? 😳
Gusto ko na talaga lumipat ng bhouse pokoyo😭
Te need ng part 2 to ha, mala Wattpad ang atake.
ReplyDeletenext
DeleteSan po part 2
ReplyDeleteabangan ko yung part 2 HAHSBWHAHAHAH
ReplyDelete