Hindi ko akalaing mauuwi sa gulo ang simpleng pagtulong ko lang sa isang lalaki sa parking lot. Seryoso, hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa inis. Gusto ko lang ilabas lahat dito kasi baka mabaliw ako sa pangyayaring ‘to.
May mga ganitong klaseng babae pala sa generation. Grabe nakakahiya yung pinaggagawa Niya.
Gabi na nun, pauwi na ako galing sa trabaho. Medyo madilim sa basement parking ng mall, tapos nakita ko ‘yung isang lalaking nahihirapan mag-ayos ng sasakyan niya. May tinutulungan siyang matanda na mukhang nahilo ata kaya hindi niya maayos yung pagpark. Sabi ko sa sarili ko, “Tao lang, tulong lang naman 'to. Wala namang masama.”
Nilapitan ko siya at tinanong,
“Kuya, okay ka lang ba? Gusto mo ng tulong?”
Napatingin siya sa’kin, mukhang nagulat pa nga.
“Ah oo, salamat. Pwede bang pakibantayan lang ‘tong matanda habang iikot ko yung sasakyan?”
Siyempre pumayag ako. Tinulungan ko, kinamusta ko pa si Lola na kasama niya. Ilang minuto lang, tapos na rin si kuya magpark.
Pagbalik niya, nagpasalamat siya nang maayos.
“Salamat talaga, kung hindi dahil sa’yo baka natagalan pa ako.”
Ngumiti lang ako, then tumalikod na. Pero ayun na… biglang may sumulpot na babae. Naglalakad ng mabilis, mukhang galing sa katapat na escalator. Tumayo sa harapan ko, nilakihan ang mata, tapos…
“ANG HAROT MO TEH AH! TINULUNGAN MO NA NGA, NANG-AAGAW KA PA?”
Napaatras ako.
“Excuse me?”
“Tama na yang pa-demure mo. Kita ko kayo, ang sweet niyo pa!” sabay kuha sa cellphone niya, parang gusto akong i-video.
“Miss, hindi mo ata naiintindihan”
“Wag mo akong miss miss dyan! Alam mo ba kung sino ako? Girlfriend ako ni Joey!”
Doon ko lang nalaman ang pangalan nung lalaki. Si Joey pala ‘yun. Pero hindi pa tapos si ate girl.
“Ang dami mong pwedeng tulungan dito, siya pa talaga? Anong pakay mo ha? Flirt ka!”
At that point, napuno na ako.
“Teh, seryoso ka ba? Tinulungan ko lang kasi may matanda siyang kasama, tapos ikaw ‘tong magwawala sa parking?”
Pero hindi pa siya tapos. Lumapit pa siya sa akin at sinubukang sunggaban ang cellphone ko, sabay sigaw ng:
“iVlog natin 'to! Para makita ng mga kabit kung gaano sila ka-harot!”
Si Joey, nahimasmasan din siguro, kasi agad siyang pumagitna.
“Enough na, Marissa. Wala siyang ginawang masama. Ako pa nga ‘tong humingi ng tulong sa kanya.”
Pero si Marissa? Ayaw paawat.
“Defend mo pa ‘yang harot na ‘yan! Alam ko na ‘tong style ng mga ganyan. Kunwari tulong-tulong, tapos maya-maya, kukuhain ka na sa’kin!”
Nagpanting talaga tenga ko. Gusto ko na siyang sabunutan sa sobrang kapal ng mukha niya. Pero pinigilan ko sarili ko. Hindi ko siya binastos, kahit sobra na ang ginawa niya. Ang ending? Ako pa ‘yung umalis, para lang wala nang lumala. Pero habang paalis ako, narinig ko pa ‘yung huling sabi ni Joey:
“Marissa, ayoko ng ganito. Lagi mo akong ginagawang masama sa harap ng mga tao. Nakakahiya ka.”
At alam mo kung anong naisip ko habang naglalakad ako palayo?
Hindi na ako nagtataka kung bakit iniwan ka na ng mga ex mo.
Kung gan’yan ang ugali mo, yung tipong paranoid, bastos, at walang modo sa kapwa babae hindi na nakakagulat kung bakit palagi kang iniiwan.
Sa totoo lang, hindi ko naman pinangarap na maging rason ng breakup ng ibang tao. Pero kung ako ang magiging salamin para matauhan yung lalaki, edi okay lang. Dahil kung ako ang tatanungin…
“Hindi lahat ng babae na tumutulong ay umaagaw. Pero lahat ng insecure, sila ‘yung nawawala sa huli.”
At kung mababasa mo man ‘to Marissa, sana lang bago ka mag-akusa, alamin mo muna ang buong kwento. Hindi lahat ng tulong ay may kapalit. Pero ang kagaya mong mapanghusga, ‘yan ang tunay na dahilan kung bakit ka iniiwan.
Sana so Lola sabihin Niya na kayo Joey na hiwalayan ka niya. Hindi ka magandang ehemplo sa kanya.
– Confession Sender
“Hindi ako harot. May malas lang talaga na tulad mo.”
Comments
Post a Comment