Skip to main content

Pinahiya Niya Ako sa Harap ng Klase Dahil Mahina Ako sa Math… Pero Siya Rin ang Naging Date Ko sa Kasal ng Bestfriend Ko‼️‼️‼️

Hi Admin, itago n’yo na lang ako sa pangalang Ira, 25 years old. Gusto ko lang i-share ang kwento ko… kasi baka may makarelate. Minsan, ‘yung taong nagpaluha sa’yo sa nakaraan… siya rin pala ang magiging dahilan ng mga ngiti mo sa hinaharap.


Noong high school, ako ‘yung tipo ng student na average lang. Tahimik. Mahiyain. Hindi ako sikat, pero hindi rin ako invisible. Pero pagdating sa Math, bagsak talaga ako. Alam ko sa sarili ko na ‘yun ang kahinaan ko. Pero sinisikap ko naman. Nagre-review ako. Umaattend ng tutoring. Kahit na ganun, lagi akong kinakabahan tuwing recitation.


Isang araw, sa harap ng buong klase, tinawag ako ng teacher para sagutin ‘yung board problem. Doon ako nabulol. Kinabahan. Mali ang sagot ko.


Tapos biglang nagtaas ng kamay si Paul ‘yung matalino, confident, at pinaka crush ng batch namin. “Ma’am, obvious naman pong mali sagot ni Ira, basic algebra lang ‘yan,” sabi niya. Sabay tawa ng iba. Syempre kahit konting error lang yun tapos pinahiya ka. Parang akong yelo na matutunaw sa hiya.

May mga sumunod pa: “Ay sorry naman po si Ira po kasi, hindi talaga pang Math.”


Tumawa ang klase. At kahit si Ma’am, ngumiti na lang. Pero ako? Para akong tinunaw. Gusto ko na lang lumubog sa sahig. Gusto kong umiyak, pero tiniis ko. Sabi ko sa sarili ko, never again. Never ko nang hahayaang may mang-insulto sa kahinaan ko.


Lumipas ang ilang taon. Nakagraduate kami. Lumipat ako ng province para mag-college. Third year college, doon ako unti-unting nag-glow up. Hindi lang sa itsura pati sa confidence. Nag-aral akong mabuti, naging Dean’s Lister, nakapag part-time modeling, at unti-unting natutong tumayo sa sarili kong mga paa.


Hanggang isang araw, habang busy ako sa thesis, nakatanggap ako ng message request sa Facebook.


Paul.


Hindi ako makapaniwala. Siya ‘yung nang-insulto sa’kin dati. Sabi niya, nakita raw niya ako sa shared post ng kaklase namin at hindi siya makapaniwalang ako raw ‘yun.


Simple lang ang chat niya:

“Hi Ira, ikaw ba ‘to? Wow, grabe. Ang ganda mo ngayon. Kamusta ka na?”


Nagdalawang-isip ako. Pero sinagot ko.

Civil lang. Simpleng okay lang naman.


Simula noon, araw-araw siyang nagme-message. Paunti-unti, naging consistent. Nagbiro pa siya minsan:

“Baka pwede akong bumawi sa kabalastusgan ko noong high school?”


Pero hindi ako agad naniwala. Twice ko siyang nireject.

Una, kasi hindi ko pa rin nakakalimutan ‘yung sakit.

Pangalawa, natatakot akong baka laro-laro lang ulit.


Hanggang isang araw dumating yung bestfriend ko sa bahay at nakipagkwentuhan at inabot yung invitation card para sa kasal niya, niyaya ako ng bestfriend ko sa kasal niya. Intimate wedding lang, small group of friends and family.


Pagdating ko doon, parang may huminto sa mundo ko.

Si Paul… andun. Kaibigan pala siya ng mapapangasawa ng bestfriend ko.


Kinabahan ako. Pero pinili kong deadmahin.


Pero nung hagisan na ng bouquet, ako ang nakasalo. Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga sumali. Gusto ko nga sana sa gilid lang. Pero sabi ng mga kaibigan ko, “KJ mo naman Ira sumali ka na!” Kaya sumali ako.


At sa kabilang side hulaan n’yo kung sino ang nakasalo ng garter?


Si Paul.

Grabe ang tilian. May mga tumutulak pa sa amin. Tawa ng tawa ang mga guests. Pero sa gitna ng lahat ng ‘yon… kinilig ako.


Hindi ko alam kung dahil sa atmosphere, sa mga ilaw, o sa paningin ko sa kanya… pero may kakaiba akong naramdaman.


Mula noon, third try niya sa panliligaw. Doon ako unti-unting bumigay. Hindi ko alam kung anong meron, pero mas totoo siya ngayon. Hindi siya ‘yung mayabang at mapangmataas na Paul dati.


Dinadalhan niya ako ng bulaklak at tsokolate.

Hatid-sundo ako sa bahay at sa boarding house.

Isang beses, nilibre niya ako sa isang fine dining restaurant, kahit ako na sana ang manlilibre noon. Sabi niya, “Deserve mong maranasan ‘to, Ira.”


Mabait siya. Mapagpakumbaba. Humingi siya ng tawad hindi lang minsan. Madalas. Paulit-ulit. Hindi lang sa salita sa gawa.


At sa huli, sinagot ko siya.


Ngayon, fiancé ko na siya.


At minsan, kapag magkausap kami sa gabi, tinatanong ko siya,

“Naalala mo ba noong pinahiya mo ako sa harap ng buong klase?”

At tatawa siya. Sasagot ng,

“Hindi ko akalaing ‘yung girl na ‘yon… siya rin pala ang babaeng mamahalin ko habang buhay.”


Share ko lang ang aming kwento.


Minsan talaga, hindi pa tayo handa noong una.

Minsan, ang tamang tao… dumadating sa maling panahon.

Pero kapag pareho na kayong handa Right person at the right time 

lahat ng sakit, lahat ng galit… napapalitan ng pag-ibig na totoo.


Kaya kung may pinatawad ka man… at siya rin ang nagbago nang totoo huwag mong ipagkait ang pagkakataong magmahal muli.

Comments

Popular posts from this blog

Nagboarding house ako sa bahay ng Ex ko sa Baguio, nagkasalubong kami ng mama Niya sa hagdan‼️‼️‼️

Hi Pokoyo, Tawagin niyo na lang akong Ara. Admin sobrang awkward talaga kahapon😒 Syempre start ko muna sa Simula. Fourth year high school ako noon nang una kong makilala si Drei. Seatmate ko siya sa isang review center dito sa Manila. Tahimik lang siya pero ang lakas ng dating tall, may braces pa that time, at super bait. Ako ‘yung madaldal, siya ‘yung tahimik. Pero ang weird, nagclick kami. Hanggang sa naging texting buddy ko na siya, tapos sabay na kami umuuwi after review. One time, inabot kami ng ulan, at dahil parehas kaming wala ng masakyan, naglakad kami sa ilalim ng payong niya. Doon ako unang kinilig. Ilang weeks lang, nanligaw siya. Sinagot ko siya after two months kasi gusto ko siguraduhin na seryoso siya. And he was. Yung kilig namin? Sobra. Holding hands sa park, yakap sa sinehan, kiss sa pisngi kapag hatid sa bahay hanggang doon lang talaga. Wala pang nangyari sa'min. Gusto naming maging proud kami sa isa’t isa sa harap ng pamilya. In fact, naging legal kami. Mabait ...

TAMAD ANG ASAWA KO

CONFESSION: “Paano Ko Ba Mapapaayos ang Asawa Kong Parang Ayaw na sa Responsibilidad?” #keepmeanonymous Itago niyo na lang po ako sa pangalang Kevin, 29 years old, taga-Cavite. Isa lang po akong simpleng ama na gusto lang ng maayos na tahanan para sa anak ko. April noong nakaraang taon nang lumipat ako sa bahay ng partner ko matapos niyang manganak sa una naming anak. Akala ko noon, bagong yugto ‘to ng buhay namin—masaya, puno ng saya, pero mali pala ako. Araw-araw na ginawa ng Diyos, pare-pareho ang routine ng asawa ko: gigising ng late, hindi aayusin ang kama, hindi maglilinis, at uupo lang sa sofa na parang may sariling mundo—nanonood ng TV o kaya’y tulala sa TikTok buong araw. Minsan 12 na ng tanghali, saka pa lang siya kikilos kapag pinagsabihan ko pa. Mga diaper ng anak namin nagkakalat sa sahig, mga pinggan sa lababo may tira-tirang ulam pa kahapon. Minsan naiiyak na lang ako—literal—dahil parang wala siyang pakialam. Ni hindi man lang naghuhugas ng kamay pagkagaling sa CR! At ‘...

ISA AKONG LALAKI PERO...

My secret‼️ Hello po ate Ambenture, alam niyo po Yung feeling na ang hirap gumalaw sa isang Lugar na may tinatago ka, lahat ng galaw mo kailangan may limitations, para Hindi kalang ma buking Yung tipong, "You don't do this, You don't do that" Ate itago niyo nalang po ako sa pangalang Dj, 21 years old at tubong sarangani, ang kwento ko pong ito ay tungkol sa malaking secret na tinatago ko sa pamilya ko. Ate bata palamang ako alam kona na merong kaka-iba sakin, alam Kong Hindi Ako kagaya ng mga batang lalaki na mahilig makipag barkda sa kapwa lalaki, Ako Kasi puro mga babae ang mga barkada, alam ko po na alam niyo kung ano ang ibig kung Sabihin. Aaminin ko Hindi po Ako straight na lalaki ay Yan po ang secretong tinatago ko sa pamilya ko, at kung tatanungin niyo po na kung hindi na nahahalata ng pamilya ko ang sagot ko po ay "OO", Hindi po Kasi Ako nag open sa family ko Lalo na po Kay kuya, natatakot po Kasi Ako nag baka husgahan Ako nila kuya o baka Hindi lang...