Hi Pokoyo, ako nga pala si Cheska, 19 years old. Kakabreak lang namin ng boyfriend ko na si Rico, 24 years old. Hindi ko na talaga kaya, and ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ikwento ‘to kasi kahit tapos na kami, parang may bigat pa rin sa dibdib ko. Nung una, sweet si Rico. Maalaga, palabiro, and mukhang may direction sa buhay. May trabaho siya sa isang logistics company, sumasahod ng mga ₱27,000 kada buwan. Okay na sana eh, hanggang sa nagsimula na siyang mangutang nang mangutang. Kesyo daw gusto niya i-improve ang credit score niya. So ayun, apply ng loan dito, hulugan ng cellphone doon, bili ng gadgets, appliances, kahit hindi naman kailangan. Sabi niya, “Pag may utang ka tapos binabayaran mo ng maayos, tataas credit score mo.” Okay fine, sige, kung yan ang goal mo. Pero guess what? Umabot sa point na ₱22,000 na yung monthly utang niya. Imagine that halos buong sweldo niya, pambayad utang na lang. At first, okay pa, pero unti-unti, ako na yung nagsusuffer. Tuwing magde-date kam...